Wednesday, December 17, 2008

H.S. Christmas Party (12.14.08)

As usual, ako na naman ang nag-organize ng lakad ng barkada. Since madami ang nag-vote for Dec 14 -- eto ang sinet kong date for our annual xmas party. Although merong hindi pwede (JM and Yitz), itinuloy na rin namen ang plano dahil pag dinelay pa to.. baka hindi pa matuloy.

Details:
Lunch at 11:00am G-squared (dampa), Home Depot
Inuman at Gerry's Grill (3:00pm, Tiendesitas)
Attendees:
Kaye
Gem and Mike
Nenz, Karl and Dime
Amae and Joaqui
Mart and Donna
Ryan S.
Feli and Jaja
Butch and Christel
JR, Tina and Luk-luk

Galing sa Baguio si Tim kaya hindi na sya nakasama samen, nainitindihan ko namang pagod sya sa byahe kaya hindi ko na rin pinilit. Sumabay kami ni Gem kay Amae ng papunta sa dampa. As usual, late si Amae - 11am ang usapan sa ortigas, 11am nya palang kami dinaanan ni Gem sa Mcdo concepcion. Nagulat ako pagsakay sa kotse na kasama nya Mommy nya and si Chil. Wow! Kasama ang family nya samen ha. Okay kasama ang mommy nya, super daldal ang kwento samin.Ü

Kahit late na kaming dumating, kami pa rin ang nauna sa G-Squared kaya kami na rin ang namalengke para sa kakainin namen - tahong, pusit, liempo, and tuna belly. Buti na lang, pwede muna ang "charged" sa kakainan namen kaya hindi na kami naglabas pa ng pera. Dumating na rin si Feli and Jaja, Mart and Donna, JR's family, Ryan S. and Butch and Christel. Nagtext si Nenz saken na nasiraan sila sa may Marikina kaya baka ma-late sila.

Pagdating ng pagkain, nagulat ang Mommy ni amae sa dami ng order namen.. eh madami rin naman kasi kami..Ü May sinigang na hipon, tempura, baked tahong, calamares, adobong pusit, inihaw na liempo and grilled tuna belly w/ butter and lemon sauce. Sarap!Ü Sa dami ng pagkain, halos wala ng malagyan sa table.. pero kita ko naman na enjoy na enjoy ang lahat. Galit galit muna dahil busy sa pagkain, ang maririnig mo lang ay "paabot naman" at "pakipasa naman ung.."Ü

Successful lunch.. bukod sa nabusog ang lahat, mura lang ang binayaran namen kasi 17 kaming naghati.. ang bill namen ay Php5080.00 kaya tig-300 lang kami. May konting natira sa pagkain kaya pinabalot namen at inuwi ni Amae.n After ng lunch, lumipat kami sa Tiendesitas para makapunta sa Fun Ranch ang mga bata and ang mga "kids at heart" naman ay sa Gerry's Grill.

Ang kinagulat ko ay ang madaming regalong nakita ko na nakalagay sa isang sulok. Wow! For the first time, may dalang regalo ang mga tao! Iba talaga ang nagagawa ng mga bata sa barkada.. kung dati okay na kaming walang regalo basta magkita-kita lang, ngayon hindi na pwede.. dahil Ninong at Ninang kami ng mga tsikitings (Iñaki, Dime, Joaqui and Luk-Luk).

First time din na may exchange gift kami - worth Php300 and ang sabi ko sa kanila, pag wala kayong dalang regalo, cash ang ibibigay nyo (walang takas noh!). Nung mismong xmas party, napagkasunduan na pag cash, Php500 ang ibibigay kasi nga naman, hindi ka nag-effort maghanap ng regalo at magbalot nito. Swerte ni Amae na si Gem ang nabunot kasi naglabas si Gem ng Php500, si Mart na si JR ang nabunot eh hindi ako sure if nagbigay ng cash. Masarap din ang cookies na bigay ni Mart and Donna sa lahat.Ü

Pagkatapos ng konting beer at pulutan, isa-isa ng nagpaalam ang mga tao. Syempre pa, konting picture-picture bago namen tuluyang tapusin ang party. Family na lang ni JR and Amae, Feli and Jaja and ako ang tumuloy sa Fun Ranch. Si Joaqui and Chil na lang ang nag-rides, habang kami, nakontento na sa pagikot sa loob.

Pagod na din kaming lahat kaya nagkayayaan na ring umuwi. Sumabay ako ulet kay Amae and kasama ko rin sa loob ng kotse si Feli and Jaja na nagpapababa sa Megamall. Naka-convoy din samen si JR dahil hindi nya alam ang palabas. Buti na lang kasama namen sya dahil tumirik kami! Ayaw magstart ng kotse ni amae! Nung una, si Feli and JR lang nagtutulak, habang sumisigaw ng instructions si JR kay Amae. Sabi ko JR, sya na lang ang mag-start ng kotse and tutulong na lang kaming mag-tulak! Eh pataas pa ung daan kaya grabe talaga ang effort namen para itulak ung kotse. Nag-cause na kami ng traffic sa lugar and pinagtatawanan ng kami ng ibang kotseng dumadaan kasi 3 babae (ako, Jaja and Amae) and 1 lalaki (Feli) ang nagtutulak. May humintong taxi and sabi hahatakin daw kami papuntang gas station, pumayag si Amae. Buti na lang, sinubukan nya ulet i-start and finally, umandar na ung kotse.Ü

Daming kwento for the day!Ü Till next year guys!Ü Here's to another year of love and friendship!Ü

No comments: