Wednesday, December 17, 2008

Christmas Spirit


Super excited na ko for this year's holiday season... Naka-file na ko ng leave for Dec 24, 25, 26 and 31. So sure na ko na hindi ako mag-xmas and mag-new year sa office. Swerte na ring matuturing ang stay ko sa call center kasi never pa kong naka-experience na sa office mag-celebrate ng holidays.

Almost complete na ko sa shopping list ko.. hmmm.. wala na nga ba kong nakalimutan?Ü medyo napagastos ako this year kasi humaba ang list ng reregaluhan ko.. uuwi kasi kami nila papa sa probinsya. The last time na dun kami nag-xmas eh nung lamay ni auntie yolly (who passed away days before xmas). This time, ako ang nag-suggest kay papa na umuwi kami - and priceless ung nakita kong reaction ni papa nung sabihin ko to.. para syang xmas tree na inilawan.. nag-glow ang mukha nya.. hehehe!Ü pero sabi ko sa kanya non, hindi pa sure kasi kaylangan munang ma-approve ang ptos ko.. pero basta ma-approve, go kami.

Sa 26 namen balak umuwi, nagsabi na rin ako kay auntie min para naman hindi sila mabigla at susulpot na lang kami don.. natuwa si auntie min kaya lang baket daw 26 pa and hindi 25. nagreply ako sa text and sabi ko mukhang hindi kami pwedeng umuwi ng 25 kasi walang kasama sila lolo and lola. Naisip ko din naman sila steph and mariel na wala silang kasama sa pasko pag umalis kami.

Naisip ko din na last xmas ko na sa family ko kasi nov next year ikakasal na kami ni tim. alam kong nalulungkot si kai pag naiisip nya yon, kasi hindi pa sure if sa kanila kami ni tim magxmas eve. alam kong un ang request ni papa, pero syempre kaylangan ko rin namang i-consider ang gusto ni tim db? Sa ngayon, i-eenjoy ko muna ang last holiday ko with my family.Ü

No comments: